Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Relokasyon bago demolisyon sa North Bay Boulevard, Tondo

admin February 20, 2024

HINILING ng may 34 informal settlers’ families (ISFs) sa pamahalaang lokal ng Maynila na mabigyan sila ng kaukulang relokasyon bago maganap ang demolisyon sa kanilang tahanan sa isang pribadong lupain sa North Bay Boulevard, Tondo.

Mapayapang naisagawa ng mahigit 100 kasapi ng Northbay Neighborhood Association (NCNA) ang piket-protesta sa harapan ng Manila City Hall at idinulog nila ang kahilingan sa tanggapan ni Mayor Honey Lacuna na makapaglaan ito ng relokasyon para sa mga pamilyang maapektuhan ng demolisyon.

Kalakip ng kahilingan ang ganap na pagpapatupad sa isinasaad sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA), na responsibilidad ng gobyerno na tiyakin ang pagbibigay ng disente at abot-kayang pabahay sa bawat Pilipino lalo na yaong underprivilege family o walang tirahan.

Ayon kay Anthony Yuson, President ng NCNA, nakatanggap sila ng liham sa korte na nag-aatas na lisanin ang kanilang tirahan sa Pebrero 26 sa isang pribadong lupain ng Philippine Span Asia Carrier Corporation (PSACC), dating Sulpicio Lines Incorporated.

Halos 33 taon ng nainirahan ang 34 pamilyang maralita sa naturang lugar.

“Nakakalunos na malaman namin mula sa isinagawang Pre-Demolition Conference noong Pebrero 5, 2024 nang inihayag ng kinatawan ng Manila Urban Settlement Office na walang pondo ang lokal na pamahalaan para sa tulong pinansyal at hindi sakop daw ng relokasyon ang tulad naming maralita na naninirahan sa pribadong lupain,” himutok ni Yuson.

Iginiit ng samahang NCNA na kabilang sila sa mga kapos-palad at walang tirahan at responsibilidad ng gobyerno na tiyakin ang pagkakaloob ng disente at abot-kayang pabahay sa bawat Pilipino na nakasaad din sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Bagama’t ang PSACC ay nag-aalok ng tulong pinansyal ngunit ang halaga kaloob ay hindi sasapat upang maka-agapay kami sa epekto ng biglaang pagkawala ng kanilang mga tahanan, saad pa ni Yuson.

Hiling pa ng grupo ng maralita kay Mayor Lacuna na maisama sila bilang benepisyaryo ng lungsod sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

“Nais naming manatiling naninirahan sa Lungsod ng Maynila kung saan ay malapit sa aming pinagtatrabahauan at para hindi na rin maabala ang pag-aaral ng aming mga anak,” giit ni Yuson.

Sa pinakahuling ulat ay may nakatakdang isang dialogue ngayong araw sa tanggapan ng pamahalang bayan ng Manila para “maremedyuhan” umano ang kalagayan ng pamilyang maralita mula sa napipintong demolisyon.

Tags: north bay relocation

Post navigation

Previous Maging mapanuri sa mga produktong tinatangkilik
Next Loren clarifies exemption on P100 daily minimum wage hike

Related Stories

Senators need statesmanship, settle disputes to ensure credible impeachment trial — Adiong
  • Nation

Senators need statesmanship, settle disputes to ensure credible impeachment trial — Adiong

Gatchalian: Senate threats may be linked to ex‑bodyguards of Zaldy Co
  • Nation

Gatchalian: Senate threats may be linked to ex‑bodyguards of Zaldy Co

Supreme Court dismisses petition on Senate quorum validity
  • Nation

Supreme Court dismisses petition on Senate quorum validity

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 11 Jun.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. castor Valdez on Gatchalian to preside over VP Sara impeachment trial; Senate resumes work
  2. experienced on Two PL solons resign from House; names removed from official roster

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.