TINANGGAL na ng China Coast Guard (CCG) ang inilagay na floating barrier sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Noong Sabado ay naglagay ang CCG ng floating barrier. dalawang CCG vessels (3063 and 3064) ang nakaposisyon din sa entrada ng lagoon, ayon kay Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea.
Sinabi ni Tarriela na nagbabantay ang CCG ships sa mga magtatanggal ng barriers.
Idinagdag pa pa na titiyakin umano ng CCG vessels na walang maaaring magtangap ng floating barriers.
Tinatayang inilagay ang mga barriers noong Pebrero 15.
Ito ay dahil wala umanong napansin ang mga nagpapatrulya ng bansa sa mga floating barriers mula Pebrero 1 hanggang 9.
Noong Setyembre 22, 2023, nadiskubre ng PCG at BFAR ang floating barrier sa lugar matapos ang routine maritime.
Tinanggal ang mga ito matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos dahil delikado ang mga ito sa mga manlalayag.
