SINABI ni Harry Roque na ang arrest warrant ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay posibleng manggaling sa International Criminal Court o sa lokal na kaso nito para sa sedisyon.
Ayon pa kay Roque, dating spokesperson ni Duterte, na sinabi ni dating senador Antonio Trillanes III na hindi na umanot maiiwasan ang pag-aresto sa dating pangulo.
Naunang sinabi ni Roque na tumawag sa kanyang si Duterte noong gabi ng Pebrero 2 na nagsabing posible siyang maaresto anumang oras..
Sa Facebook video noong Martes, sinabi na natapos na umano ang imbestigasyon ng ICC laban sa drug war killings sa panahon ng gobyerno ni Duterte.
Kasama rin si Trillanes sa complaint sa kaso at inaasahang may nalalaman sa confidential ICC proceedings.
“Bakit pa kayo nagdududa na mangyayari ‘yan, eh siya ang complainant?” sabi ni Roque sa video on Facebook.
Gayunman, sinabi ni Roque na hindi siya umaasa kay Trilanes at may tatlo pang souces sa impormasyong aarestuhin si Duterte.
