PAPASOK na si Senador Raffy Tulfo sa imbestigasyon sa pagkawala ng beauty pageant bet na si Catherin Camilon.
“The involvement of police officers in heinous crimes [has] been increasing in the past months and there is a need to review the screening process of police officers as well as the retention of officers in active duty,” ayon sa panukalang Senate Resolution 913.
Hinihiling din ng pamilya ni Camilon ang pagkamit ng hustisya sa kaso ng nawawalang kaanak.
Si Camilon ay huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Batangas noong Oktubre 12.
Oktubre 16, 2023, nang humingi ng tulong ang kapatid ni Catherine na si Chin-Chin dahil hindi na matagpuan si Catherine.
Ilang kaibigan ni Catherine ang nagsabing kasama ng biktima ang sinasabing nobyong pulis na si Police Major Allan de Castro.
Siya rin ang itinuturong suspect sa pagkawala ng biktima.
Itinanggi naman ito ni De Castro.
Sinibak na sa pagka-pulis si De Castro na umano’y nagbigay ng sasakyan kay Camilon.
Nakita pa ang sasakyan ng biktima, base sa mga CCTV footage, na dumaan sa ilang bayan ng Batangas na ayon sa pulisya ay hindi nag-iisa sa sasakyan si Catherine.
Ilang saksi na ang lumutang na nagsabing nakita nila ang isang babae na duguan at inilipat sa isang sasakyan.
Sa ginawang DNA profile, tumugma ang dugo at buhok na nakita sa sasasakyan sa mga magulang ni Catherine.
Naglabas naman ng pabuya si Batangas Vice Governor Mark Leviste na P250,000 ang the Presidential Anti-Organized Crime Commission, at ilang sektor ng mga negosyante.
