NAPUTOL ang kamay ng isang 8-anyos na batang lalaki matapos mamulot ng mga hindi nagamit na paputok at paglaruan ito ilang oras bago mag-Bagong Taon sa Sampaloc, Maynila.
Nabatid na apat na lalaki ang namulot ng mga paputok at sinunog ito sa ginawang bonfire.
Isa sa mga ito ang nakapulot ng paputok na hindi sumabog. Inilagay niya ito sa apoy at ilang sandali lang ay sumabog ito.
Agad isinugod sa ospital ang tatlo at nakalabas din ngunit hindi ang 8-anyos na inilipat ng ospital kung saan pinutol ang kamay nito.
