RUMESPONDE ang ilang awtoridad sa isang presinto sa Pilot Elementary School, Barangay Princesa, lungsod ng Puerto Princesa matapos na magkaroon nang gulo dahil sumugod ang tinatayang 180 na indibidwal na pinaghihinalaang “flying voters” umano sa loob ng presinto.
Ayon sa isang botante na isa sa pumunit ng balota, ay kilala umano nila ang mga tao sa kanilang barangay. Dagdag pa niya, isa sa mga rason kung bakit nila pinunit ang mga balota ay upang hindi na makaboto pa yung mga pinaghihinalaang “flying voters.”
Hinanapan din daw nila ng ID ngunit walang maipakita ang nasabing grupo.
Kaugnay nito, agad na ni-lock ng Electoral Board ang ballot box upang ma-secure. Ang Brgy. Princesa ay mayroong kabuoang 342 na rehistradong botante at mahigit 123 pa lamang ang nakakaboto.
