IDINEKLARA ng pamahalaan ang suspensyon ng pasok sa government offices at klase sa lahat ng antas ng paaralan sa National Capital Region bukas ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre.
Ito’y kasunod ng patuloy na pag-ulang dulot ng hanging habagat na hinahatak ng Super Typhoon ‘Goring’ at ‘Hanna.
Samantala, ang pasok sa mga pribadong tanggapan ay batay sa pasya ng pamunuan ng kumpanya.
