
MULING umingay ang mundo ng showbiz matapos kumpirmahin ng basketball star na si Ricci Rivero ang break up nila ng model actress na si Andrea Brillantes.
Sa kanyang instagram, tila inamin ni Ricci na tapos na ang kanilang relasyon ng aktres at humingi ito ng privacy upang ‘mag-heal’.
Tikom naman ang bibig ni Andrea hanggang ngayon.
Napansin ng mga fans ni Andrea na huling nagpost ito kasama ang basketball player noong April at hindi na ito muling nasundan.
Isang beauty queen at konsehal naman ang naidadawit na bagong ka-relasyon umano ng basketball star.
Nakita rin na ipinost ng beauty queen and litrato ni Ricci sa kanyang instagram.
Nakuhanan din ng litrato ang dalawa habang namamahagi ng food packs sa mga constituents nito.
