Atty. Ferdinand Topacio
IBINUNYAG ni Ferdinand Topacio, na walang balak bumalik ng bansa ang kanyang kliyente na si suspendidong Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Topacio na nananatiling hindi kampante si Teves sa kanyang kaligtasan sa pagbabalik sa bansa.
Kinuwestiyon din nito ang hindi patas na trato sa kanyang kaso ng Department of Justice (DOJ) na para sa kanya ay nakatutok na sa kanya ang pagiging mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at iba pang sibilyan noong Marso 4.
Sa kabila ng mga alegasyon, naninindigan si Teves na hindi siya sangkot sa pagkamatay ng gobernador.
Sinabi ni Teves na uuwi lamang siya ng bansa kung makikita niyang ligtas siya.
