UMABOT sa 3,803 sako ng basura ang naialis ng lingguhang paglilinis sa natitirang old-growth mangrove forest sa Isla Pulo sa Navotas.
Katuwang ang San Miguel Corporation at Department of Environment and Natural Resources (DENR) nagsama-sama ang mga volunteers mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at pribadong kompanya upang maisakatuparan ang paglilinis sa 3.5 kilometro shoreline at mangrove area ng 26 ektaryang isla.
“Solid waste pollution of our waterways, shorelines, and major bodies of waters such as our rivers and seas, is a critical problem that we cannot emphasize enough. They threaten not only marine life, our environment, the livelihood of our fishermen, but also, every Filipino living in Metro Manila and even nearby provinces, whose lives are regularly disrupted by flooding during the rainy season,” sabi ni SMC President Ramon S. Ang.
P1B pondo ng SMC
Upang maibsan ang pagbaha sa kalakhang Maynila, kabilang din sa paglilinis ang Tullahan-Tinajeros river kung saan pinondohan ng P1 bilyon ng SMC.
Nasa 593,911 metric tons ng basura at putik na naialis mula sa ilog na siyang dumadaloy mula Tullahan hanggang sa Manila Bay. Isa ito sa mga ilog na pinangagalingan ng basurang plastic na nakararating sa mga karagatan kasama ang Pasig River na sanhi ng pagbaha sa Navotas, Malabon, at Valenzuela.
Nakatalaga ang dredging team ng kumpanya sa bahagi ng ilog na malapit sa Catmon at Maysilo sa Malabon City. Samantala, nagbigay ng donasyong $1.5 milyon ang Japanese shipping na NYK Line sa San Miguel Corp na siyang nag pondo ng P2 bilyon para sa rehabilitasyon ng Pasig River at pondo sa dredging equipment.
Nasa 129,600 metric tons ng basura at putik na natanggal mula sa Pasig River at ang paglinis ay umabot na bahagi ng ilog na kalapit ng San Juan River.
