HINDI na umabot nang buhay ang isang lalaki matapos itong saksakin ng live-in lover na tomboy ng girlfriend ng biktima sa loob ng condominium sa Las Pinas City nitong Biyernes.
Nakabaon pa ang kutsilyo na itinarak ng suspect na tomboy nang dalhin sa ospital. Sa ospital na rin inaresto ang suspect.
Nabatid na nadatnan umano ng suspect na tomboy ang kanyang girlfriend na natutulog umano katabi ang biktima sa loob ng kwarto.
Dahil dito ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect hanggang makakuha ng kutsilyo sa kusina ang tomboy.
Agad inundayan ng suspect ng saksak ang biktima.
Nakakulong na ang suspect sa Las Piñas police headquarters.
