NAPUNO ng supporters ang saan mang sulok ng Samar province nang dumalaw dito kahapon si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte (inset) na tumatakbo bilang Bise Presidente ng bansa. Makikita sa mga Facebook account ang tila langgam sa dami ng taong matamis na sumalubong dito upang personal na makita ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte sa pagka-Pangulo at Bise Presidente para sa eleksyon sa May 2022.
Ngayon pa lamang, batid na ng mga kritiko at analysts na possible na maging landslide ang pagka-Bise Presidente ni Mayor Sara dahil mapa-survey o netizens maging liblib na lugar ay ito ang napupusuan.
“Patuloy na kalinga, aruga at progreso para sa mas magandang kinabukasan ang ating bitbit. Ang mga tao na nagtulak sa akin na tumakbo ay kailanman ay hindi mabibigo,” sambit ng alkalde na anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.
