NAKAPAGTALA ang bansa ng pinakamababang arawang bilang ng Covid-19 mula noong Hulyo 2020 na 425 bagong kaso.
Umaabot na sa kabuuang bilang na 2,832,734 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito rin ang ikapitong araw na sunod na nakapagrehistro ng mababa sa 1,000 kaso ng impeksiyon sa bansa.
Sinabi ng DOH na dalawang laboratoryo ang hindi gumagana noong Nobyembre 28 habang apat laboratory naman ang hindi nakapagsumite ng data.
Ang bagong kaso ay nakapagdagdag ng aktibong kaso sa 15,800 kung saan 47.5% ang mild, 5.3% ang asymptomatic, 16% ang severe, at 6.8% are critical condition.
Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa 2,768,389 sa naitalang 909 pasyente na lumaban sa Covid-19.
Umabot sa 48,545 ang death toll sa karagdagang 44 katao na nasawi.
