PATAY ang isang motorcycle rider nang rumagasa ang jeep sa loob ng ospital sa Sta. Ana, Maynila.
Tumilapon si Noe Ocenar Abaigar at namatay nang pumasok sa Trinity Woman and Child Hospital ang jeep na minamaneho ni Ronaldo Fanis, ayon sa report ng Manila Police District.
Sinabi ni Fanis na nawalan siya ng kontrol sa manibela nang sumabog ang gulong ng jeep at tamaan si Abaigar.
Sugatan sin ang security guard na si Marvin Pelaez at isang pasahero.
Nahaharap si Fanis sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries
