MAHIGIT 40,000 indibidwal ang inilikas sa kanilang mga tahanan sa Northern Mindanao dahil sa flash floods o pagbaha na dala ng sama ng panahon kahapon, araw ng kapaskuhan.
Patuloy naman na nagbibigay ng suporta ang DSWD Field Office X sa mga Local Government Units (LGUs) na pinakanaapektuhan ng baha.
Kabilang sa naka-preposition ang 30,000 family food packs (FFPs) mula sa Field Offices IX, XI, XII, at CARAGA. Bukod dyan, may 15,000 FFPs rin na magmumula naman sa National Resource Operations Center sa Pasay City.
Pinaalalahanan naman ng FO X ang mga residente sa Northern Mindanao na patuloy na makinig sa kanilang mga lokal na opisyal para sa mga anunsyo tungkol sa sama ng panahon.
