INIHAYAG ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ngayong Sabado na namatay sa suffocation sa pamamagitan ng paglagay ng plastic bag sa mukha ang middleman sa pagpaslang sa beteranong broadcaster Percy Lapid.
Sa awtopsiya, sinabi ni Fortun na homicide ang kaso sa pagkamatay ni Jun Villamor. “History of asphyxia by plastic bag suffocation” ang sanhi umano ng pagkamatay.
Sa virtual press conference, sinabi ni Fortun na mayroon ding “pulmonary congestion, edema, and hemorrhages” sa resulta ng awtopsiya.
Nauna nang inireport na natakot sa kanyang kaligtasan si Villamor matapos sumuko ang gunman na si Joel Escorial at sinabing ang middleman na kumontak sa kanya ay nakakulong sa national bilibid.
“Based on available information regarding the circumstances surrounding death, the manner is homicide,” sabi ni Fortun.
