ISA-ISA nang nagtutungo sa tanggapan ng PCSO ang mga nanalo sa kontrobersiyal na lotto draw kung saan 433 ang nanalo sa higit P200 milyong jackpot prize.
Ilan sa mga nanalo ang nagpaunlak na ipakita ang kanilang winning tickets sa naganap na Grandlotto draw 6/55 noong Sabado, October 1, 2022.
Ito ay matapos pagdudahan ng publiko ang tila pekeng pagkapanalo sa mga numerong 9-45-36-27-18-54.
Paghahati-hatian ng mga nanalo ang tig higit P500,000 sa P236,091,188.40.
Ang naturang numero ay unang anim na multiples ng number 9.
Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles na ang lahat ng 433 winners ay kilala na.
