SIMULA ngayon, muli na namang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo, ikalima na sa magkakasunod na lingo sa diesel at kerosene habang ikalawa namang pagbaba sa gasolina.
Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na ibinaba nila ang presyo ng gasolina kada litro at diesel ng P0.45 habang ang kerosene ay P0.85.
Ganito rin ang ipatutupad ng cleanfuel ngunit hindi sa kerosene.
Sinimulan ang pagbaba ng presyo kaninang alas-6 ng umaga.
Noong nakaraang linggo ay nagbaba na ng presyo ang mga gasolinahan ng P1.65, sa diesel at kerosene ng P1.35.
