
ANIM katao ang nasagip sa lumubog na cargo boat sa Lamon Bay, Barangay Cagbalugo, Quezon, Lunes ng umaga.
Ayon sa Quirino Police Provincial Office, nahirapan ang MV Rome Rhona na may laman na tangke ng LPG dahil sa malalakas na alon dulot ng masamang panahon at lumubog ito may apat na kilometro pa lamang ang layo sa port.
Dakong alas-8 ng umaga ngayong araw nang umalis ang bangka lulan ang tatlong tripulante at tatlong pasahero patungo sa Gumaca.
Pahayag naman ni Quezon Municipal Police Chief PCapt Joel Caparros, malalakas at malalaki ang alon nang umalis ang cargo boat kanina.