
Binubuhat ng mga rescuers ang bangkay matapos mahulog ang van na sinasakyan ng mga ito noong Huwebes ng madaling araw. (Photo courtesy: Besao MDRRMO)
ANIM kabataan ang namatay habang dalawang iba pa ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang van sa may 250-foot na bangin sa Besao, Mountain Province madaling araw ng Huwebes.
Sinabi ng pulisya na hapon na ng Huwebes nang madiskubre ang aksidente.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dalog Kawi Mangallay, 19, driver ng van; Lip-aw Aligan, 15; Rhema Sumingwa, 18; Merly Docyogen,17; Hazel Solang,19; at Ken Lendel Kieth Alfonso,19.
Sugatan naman sina Lander Maticyeng, 17, and Novelyn Sagantiyoc, 18. Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktima.
Nabatid na ang mga biktima ay mga high school student mula sa Mountain Province at Ilocos Sur.
Ayon kay Engr. Mildred Piluden, Besao Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer, galling sa pagtitipon ang mga biktima sa Barangay Laylaya sa Besao at patungo sa bayan nang maganap ang trahedya.