
DEAD on the spot ang tatlong magkakakaanak makaraang salpukin ng isang rumaragasang 10- wheeler truck ang kanilang sinasakyan sa Nasugbu,Batangas.
Matinding sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng pamilya Dimaano na sina Roland Adrias,48; Roxchelle, 46 at Rachelle Anne, 23, na pawang residente ng Luntal, Tuy ,Batangas.
Agad na isinugod sa Apacible Memorial District Hospital ang helper na si Rolando Recto Jr,36, na nagtamo ng bali sa binti habang pinaghahanap naman ng mga otoridad ang tumakas ng truck driver na si Hilario Condez,49.
Base sa imbestigasyon ng pulisya,bandang alas 4:20 ng madaling araw binabagtas ng pamilya Dimaano ang kahabaan ng National Road Sitio Bukaki ,Barangay Aga, Nasugbu sakay ng kanilang kotseng Mazda UUT 378 .
Agad na sumulpot sa kanilang harapan ang Howo 12-wheeler truck NGT -9409 na may kargang coal galing Bulacan .
Nawalan ng preno at nasira ang makina ng nasabing truck kaya sumalpok ito sa kotse ng mag-anak.
Bago ang insidente, sinabi ng mga ototridad na isang Ford VDX 546 ang sinalpok din ng truck bago maganap ang trahedya sa pamilya.