
Ang aktor na si Vhong Navarro (nakasumbrero) na ililipat sa Taguig City jail, Lunes ng hapon. Screengrab ABS CBN
INILIPAT na ang aktor/TV na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail mula sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan siya nakadetine mula noong Setyembre.
Dalawang buwan na nakakulong si Navarro dahil sa nauna nang nadismis ngunit binuhay na kasong rape cases na isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo.
Nauna na ring nagsampa ng mosyon ang kampo ni Navarro upang manatili ito sa NBI detention sa dahilang pagkatakot sa banta ng buhay sakaling mailipat siya sa Taguig jail.
Kasama ng aktor ang kanyang misis na si Tanya.
Gayunman, hindi kinatigan ng korte ang text message ni Tanya kung saan saad ng message “Pasabi diyan sa asawa mong rapist Mr. Suabi, nag aantay kami dito sa Taguig, paki bilisan.”
Sa desisyon ng korte, sinabi ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 na nabigong maipaliwanag ng kampo ng aktor ang sinasabing banta nito sa buhay.
Hindi rin umano naisabi ang pruweba ng SMS message at ang mensahe umano ay maaaring maipaliwanag sa maraming paraan.
Binigyang diin din ng korte na ang city jail ay protektado ng human rights ng bilanggo.
Nitong Lunes ay ibiniyahe na si Navarro mula NBI headquarters patungong Camp Bagong Diwa. Doon ay hihintayin ni Navarro ang desisyon ng petisyon na makapagpiyansa habang nasa loob ng Taguig City Jail.