MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

Vhong Navarro emosyunal sa pagbabalik sa It’s Showtime

ISANG emosyunal na Vhong Navarro ang nasaksihan ng madlang people sa muling pagbabalik ng TV host matapos ang ilang buwan na pagkabilanggo sa harap ng kasong isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Tuwang-tuwa at sabik ang It’s Showtime family ni Navarro sa muli nilang pagkikita gayundin ang madlang people na ilang buwan hinintay ang paglaya at pagbabalik nito sa noontime show.

Matapos ang production number ay isa isang pinasalamatan ni Navarro ang mga taong tumulong sa kanya kabilang ang kanyang ABS-CBN family, Dra. Vicky Belo, Annabelle Rama at iba pang pinansiyal na sumuporta sa kanya.

Hindi rin nakalimutan pasalamatan ni Navarro ang kanyang misis na si Tanya na hindi siya iniwan sa kanyang laban.

Naging madamdamin din ang isa-isang pahayag ng mga host kung saan ay sama-samang nagpasalamat sa paglaya ng TV host.

Find this content useful? Share it with your friends!