MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

UFO-like ‘lens shaped’ cloud lumutang sa Turkey

NAMANGHA ang mga residente nang biglang may lumutang at lumikha ng mala-UFO ‘lens shape’ sa kaulapan sa Bursa district, Turkey.

Viral sa internet ngayon ang naturang phenomenon na nasaksakin ng mga tao sa Bursa. Ayon sa mga nakasaksi, tila ang kakaibang uri ng ulap na nalikha at namuo ay isang Unidentified Flying Object (UFO) na bumagsak sa Earth. 

Ayon sa Meteorological Directorate ng Turkey ang naganap ay isang ‘lens or lenticular cloud’ na nabubuo dulot ng malakas at paiba-ibang direksiyon ng hangin sa kabundukan. Nangangahulugan din ito ng masamang panahon at pagbulusok ng hangin galing sa itaas. Ang mga ulap na tulad nito ay maaaring mabuo saan mang geographic area na may tinatawag na ‘foehn winds’.

Ito ay isang uri ng tuyo at mainit na hangin pababa sa kabundukan. Tinatawag din itong rain shadow wind dulot sa pag-init ng hangin at kawalan ng moisture habang bumababa sa slopes o dalisdis ng bundok.

Firstpost.com

Find this content useful? Share it with your friends!