Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Sports
  • Business
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Front Page
  • Regions

Walang court order: Buwanang demolisyon kinondena

Metrosundaily December 7, 2024

MATAPOS mapakinabangan noong nakaraang halalan, pinalayas na lang kami sa aming mga tahanan kahit walang kautusan ula sa hukuman.

Ito ang buod ng mensahe ng mga lider ng iba’t ibang grupo sa anila’y “summary demolition at eviction” ng humigit kumulang 5,000 pamilyang nakatira sa Sitio Siwang, at Purok Lumang Ilog, Barangay San Juan sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.

Sa kilos protestang isinagawa ng mga miyembro ng Nagkaisang Samahang Pangkabuhayan ng mga Filipino Muslim – Kristiyano, United Muslim Christian Brotherhood Farmers, Buklod Pagkakaisa Ng Muslim Christian Inc at Anas Masjid, kinondena ang di umano’y sabwatan sa pagitan ng kapitalista at ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Allan de Leon.

Partikular na tinukoy ng mga residente ang di umano’y pwersahang demolisyon ng hindi bababa sa 500 kabahayan sa kasagsagan pa man din anila ng hagupit ng bagyong Kristine noong nakalipas na buwan.

“Dapat isinaisip man lang ni mayor ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng peligro, sa halip na itulak ang ilegal na demolisyon para pagbigyan ang hiling ng isang kapitalista,” wika ni Datu Matz Pangulima na tumatayong tagapagsalita ng mga apektadong residente.

Higit pa aniya sa masamang panahon dulot ng bagyong Kristine, hindi rin umano dapat pinahintulutan ni de Leon ang paggiba ng mga bahay sa kabila ng kawalan ng demolition order mula sa korte.

“Malinaw na walang puso ang mayor namin… walang piniling oras. Nasa bingit na kami ng peligro pero sa halip na protektahan, ginamit pang paraan ang mandatory evacuation para isagawa ang demolisyon,” dugtong ni Pangulima.

Giit Pangulima, ilegal at marahas ang demolisyong aniya’y malinaw na paglabag sa Republic Act 7279 (Urban Development and Housing Act) nakasaad ang obligasyon ng lokal na pamahalaan isulong ang karapatan ng mga residenteng nasasakupan sa programang pabahay ng gobyerno. Ayon naman sa isang residente, hindi ilegal ang kanilang pagtatayo ng bahay sa Sitio Siwang. Katunayan anang residenteng nakiusap na huwag banggitin ang pangalan, pinagbayad sila ng mga tauhan ng barangay San Juan ng P30,000 para sa 50 metro kwadradong lupa.

Lumagda rin aniya si de Leon sa isang kasunduan kung saan kinikilala ang legalidad ng paninirahan ng mga mamamayan sa Sitio Siwang at Purok Lumang Ilog.

Bago pa man isinagawa ang demolisyon, idineklara ng Sangguniang Bayan ng Taytay sa bisa ng isang resolusyon, na pawang squatter ang nakatira sa Sitio Siwang at Purok Lumang Ilog — bagay na inalmahan ng “council of elders” ng Muslim community.

Paratang ng mga miyembro ng tinaguriang “council of elders,” nakipag sabwatan si de Leon sa isang nagngangalang Josie Bazar kapalit ng P10 milyon.

Wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan hinggil sa paratang ng mga nawalan ng tahanan.

metrosundaily
Tags: demolition in Taytay

Post navigation

Previous House panel steps up VP Sara funds probe, demands verification of 677 more names
Next Speaker Romualdez: ‘Mag-ingat sa fake news’

Related Stories

Two dead, seven injured in Banga National High School shooting in South Cotabato
  • Regions

Two dead, seven injured in Banga National High School shooting in South Cotabato

China Coast Guard rams BFAR vessel off Palawan; fuel subsidy mission ship damaged
  • Regions

China Coast Guard rams BFAR vessel off Palawan; fuel subsidy mission ship damaged

BREAKING: Banga National High School shooting — injured students rushed to hospital
  • Regions

BREAKING: Banga National High School shooting — injured students rushed to hospital

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 18 Sep.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. panel smm murah indonesia on Carpio bank records complaint faces dismissal — QC prosecutor
  2. OMA55 on Search for 4 missing as vehicle plunges into river after Agana Bridge collapse

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.