NAKUHANAN ng CCTV ang pagbagsak ng isang bahagi ng Carlos P. Romulo bridge sa Barangay Wawa, Bayambang, Pangasinan, Huwebes ng hapon.
Sa footage mula kay Joel Bardelomar, makikita ang dalawang truck na natumba nang dumaan sa naturang tulay. Agad namang na-rescue at isinugod na sa ospital ang mga sakay.
Nakaligtas din sila sa insidente, ayon kay Mayor Niña Jose-Quiambao. Agad namang hiningi ni Jose-Quiambao ang tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng tulay. Hiningi nito ang paumanhin at pasensiya ng publiko para sa pagkukumpuni ng tulay.
