NAHULOG sa bangin ang sinasakyan ng magkakapamilya kung saan apat sa mga ito ang patay ngayong Sabado de Gloria sa Barangay Lucog, Tabuk City.
Bandang alas-4 ng madaling araw ay tinatahak ng van ang naturang lugar nang magtuloy tuloy at mahulog sa bangin na may 500 metro ang lalim.
Patungo ang mga biktima sa isang pagtitipon nang maganap ang trahedya.
Nagsasagawa na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng search and rescue operation at apat na biktimang sakay ng van ang nahugot mula sa sasakyan. Kinilala ang mga ito na sina
Marcelo Banggawan na nagmaneho ng sasakyan, mag-asawang Marvin at Marivic Sagyaman at kanilang anak.
