MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng lima katao, kabilang ang isang konsehala, galing ng libing ng isang kaaanak sa Catarman, Samar.
Sumalpok ang sinasakyang SUV Innova ng mga biktima sa national highway ng Barangay San Miguel ng Santo Tomas City, Batangas sa isang truck alas-2:50 ng madaling araw ng Sabado.
Ayon kay PLtCol. Rodel Ban-o, hepe ng Santo Tomas City Police, itinakbo ng mga rescue team sa Laurel Memorial District Hospital ang limang sakay ng Toyota Innova pero idineklarang dead on arrival na ang mga ito.
Sugatan naman at patuloy na ginagamot sa Daniel Mercado Memorial Hospital ang 23-anyos na drayber ng Totoya Innova habang ang dalawa pa nitong sakay ay isinugod naman sa St. Francis Cabrini Medical Center.
Sa imbestigasyon, galing sa Catarman ,Northern Samar ang Toyota Innova at patungo sana sa Nueva Ecija nang maka-head on collision ang truck na patungo naman sa direksyon ng Tayabas City.
Base umano sa salaysay ng isa mga sugatan, nakatulog umano ang drayber ng Toyota Innova.
Sa tindi ng banggaan, wasak na wasak ang Toyota Innova.
