PATAY sa saksak ang isang guro matapos ang mainitang pagtatalo sa kanyang estudyante sa Basey, Samar.
Naisugod pa sa ospital ang biktimang si George Lauron, 32, guro sa Basey National High School.
Nangyari ang krimen madaling-araw nitong Lunes sa boarding house ng biktima sa Barangay Sulod.
Ang suspek ay isa umanong 19-anyos na senior high school student.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Basey PNP, nag-iinuman ang biktima at ang suspect kasama ang isa pang lalaki nang magkaroon ng argumento ang guro at suspek.
Nagalit umano ang estudyante at sinaksak niya sa dibdib ang guro gamit ang isang kutsilyo.
Agad naman sumuko ang suspek sa Basey Municipal Police Station.
Ayon sa Basey PNP, nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspect.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa krimen.
