SA patuloy na pagbaba ng bilang ng arawang kumpirmadong kaso ng COVID-19, lubos ang paghahandang isinasagawa ng Taytay local government sa hangaring pasiglahing muli ang local garments industry. Giit ni Mayor Joric Gacula, hindi hamak na mas mura at de kalidad ang mga kasuotang gawang-Taytay. Makikita sa larawan (mula sa kaliwa) ang alkalde, Konsehal Kyle Gacula at Vice Mayor Mitch Bermundo. (Crema Limpin)
