BILANG tugon sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga residente, pinasinayahan ng mga lokal na opisyales ng lalawigan ang isang mas malaki at makabagong gusaling magsisilbing bagong tahanan ng tatlong ahensya sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, magsisilbing Saklolo Center ang bagong gusali kung saan ililipat ang himpilan pulisya, istasyon ng bumbero at mas malaking piitang pangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology. Ang nasabing pasilidad ay pinondohan ng Rizal provincial government, sa kahilingan ng Taytay LGU.
