NGAYON ang ikaapat na araw na paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) District BARMM sa mga residenteng nawawala sa kagsagsagan ng sakuna sa mga nakalipas na araw.
Dalawampung bangkay ang nahanap ng mga otoridad sa Barangay Kusiong, habang lima pa ang patuloy na hinahanap sa mga oras na ito. Patuloy ang pakikiisa ng PCG sa LGU para makita ang mga nawawalang residente ng naturang barangay na bahagi ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
