MIYERKULES ng umaga, natuklasan ang kalunus-lunos na sinapit ng isang walong taong gulang na batang babae sa Lucene City, Quezon.
Bangkay na ito. Walang saplot, may busal sa bibig at nakagapos nang matagpuan sa bakanteng lote sa Gulang-gulang, Lucena City.
Sinasabing hinalay ito.
Ilang oras ang nakalipas ay naaresto ang suspect na si Julis Rodas, 19.
Gayunman, bangkay na rin nang matagpuan si Rodas sa comfort room ng Lucena Police station, bandang alas-12:45 ng madaling araw ngayong Linggo. May tali ito sa leeg.
Tinangka pa itong isalba ng mga rescuer ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lucena City ngunit idineklara itong dead on arrival sa ospital.
