INIHAYAG ng awtoridad na kilala na ang nasa likod ng pagkawala ng beauty pageant candidate Catherine Camilon.
Ito ang ibinunyag ni PRO 4A Public Information Office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran sa press conference sa nawawalang kandidata. Huling nakita si Camilon sa Lemery town sa Batangas, ayon sa Police Regional Office (PRO) 4A.
Nabatid pa na isa umano sa tutukuyin ang may-ari ng sasakyan na gamit ni Camilon.
Hanggang ngayon ay hindi pa natutunton ang sasakyan, maging ang may-ari nito.
“Tuloy-tuloy pa din po ang pangangalap ng mga impormasyon para mas matukoy po yung pagkakakilanlan ng POI,” sabi ni Gaoiran.
Ayon sa ina ni Camilos, may kakatagpuin umanong tao ang kanyang anak.
Nagtayo na rin umano ng “stations and units sa Batangas Police Province gayundin sa Tuy Municipal Police Station sa paghahanap kay Camilon.
Nagbigay na ng pabuya si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng P100,000 para sa agarang paglutas ng kaso ni Camilon.
Nanawagan din ang kapulisan na makipag-ugnayan as Tuy Municipal Police Station via Station Hotline 0998-598-5711 ang sinumang may alam sa pagkawala ni Camilon.
Kinatawan ni Camilon ang Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.
