CAMP Vicente Lim, Calamba City -Pinaghahanap pa ng awtoridad ang mga salarin sa pumaslang sa isang pulis na pinagbabaril habang bumibili ng pandesal sa kanilang lugar sa Rodriguez Rizal nitong Martes ng madaling araw .
Dead on the spot si Patrolman Mohammad Sulalman na nakatalaga sa Quezon City Police District QCPD matapos barilin sa ulo sa Blk 32 Lot1 Phase1 Barangay San Jose , Rodriguez, Rizal.
Ayon sa ulat ng Rizal Provincial Police Office matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng block 27.
Nakikipagtulungan na si National Capital Region director, Major General Vicente Danao Jr. kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Eliseo DC Cruz upang maresolba ang kaso.
