TINATAYA sa higit na P500 milyon ang pinsala sa imprastruktura ng bagyong ‘Florita’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa report ngayong Martes, sinabi ng NDRRMC na ang halaga na nasirang 192 cost of imprastruktura sa Ilocos Region at Cagayan Valley ay nasa P571,100,000.
Karamihan sa nasirang imprastruktura ay mga kalsada, kasunod ng flood control structures, government facilities, bridges, at health facilities.
Ang Ilocos Region ang nakapagtala ng pinsala na nasa 183 infrastructure na nagkakahalaga ng P546.7 milyon.
Sa Cagayan Valley ay nakapagtala ng halagang P24.4 milyong na pinsala.
Ang halaga ng apektadong taniman, nasirang imprastruktura, makinarya sa
Ilocos Region base sa report ng Department of Agriculture ay pumalo na sa P13,028,205.
Inireport din ng National Irrigation Administration ang tatlong bahagyang napinsang imprastruktura sa Calabarzon sa P10,850,000.
