CALAMBA City — Pinangangambahan ang muling pagsipa ng coronavirus sa rehiyon ng Calabarzon matapos maitala ang apat na kaso ng Omicron variant base sa ulat ng Department of Health Region 4-A nitong araw ng Huwebes.
Sa ulat ng Philippine Genome Center, natukoy ang dalawang kaso ng Omicron variant sa lalawigan ng Cavite habang tig-isa sa Batangas at Rizal.
Iniakyat na sa alert level 3 status ang lalawigan ng Laguna mula sa Enero 7-hanggang 15 upang mapigilan ang pagdami ng magkakasakit. Samantala, bilang proteksyon sa mabagsik na virus, fully vaccinated na ang halos 7,697,750 indibidwal o 67 porsyento nasa buong Calabarzon.
Ayon kay Dr.Voltaire Guadalupe ng DOH 4-A, mayroong 16.767 milyong doses na Covid-19 na ang naipamahagi kung saaan mayoong 9,069,312 ang nabigyan ng first shot ng bakuna habang 1,371,562 na indibidwal naman ang nag-hihintay para sa ikalawang shot ng bakuna.
Nananatili naman sa bilang na 2,383,468 indibidwal ang wala pang bakuna .
