Ang biktima na umano'y nakipagbarilan pa sa militar.
NAPATAY sa engkwentro ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) makaraang abutan ng mga militar na nagingikil sa mga residente ng Brgy Magsaysay, Siniloan, Laguna kahapon.
Nakasagupa ng 1st Infantry Battalion ang nasa 15 rebelde habang nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) sa naturang lugar.
Matapos ang palitan ng putok , natagpuan ang bangkay ng isang rebeldeng may hawak na M16 rifle kabilang ang mga bala , 3 pakete ng subversive documents at mga personal na kagamitan.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa tropa ng militar.
Ayon kay Brig. Gen. Cerilo C Balaoro Jr., Commander of the 202nd Infantry Brigade, rumesponde ang mga militar dahil sa sumbong ng ilang residente na sapilitang kinikikilan umano ng mga pagkain at mga panganagilangan ng mga rebelde .
“Said encounter is a result of the cooperation and convergence of agencies comprising Task Force ELCAC from provincial down to barangay level that emboldened the community to act accordingly on the presence of terrorist groups in their locality. This only shows that the people even in the far-flung communities are no longer supporting the cause of the CPP-NPA terrorist and we truly appreciate it”,ani ni Balaoro.
“We also extend our deep condolences to the bereaved family of the fallen NPA member who was exploited and influenced to tread a path to violence. As such, I would like to reiterate my call on the remaining NPA members to return to the folds of the law and live a peaceful life with their family”, dagdag pa niya.
Sa ngayon ay patuloy ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng militar at Philippine National Police ( PNP) sa lugar .
Hinihimok ng lokal na pamahalaan ang ilan pang natitirang NPA sa lalawigan ng Laguna at karatig probinsya na magbalik loob sa gobyerno upang magkaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa buong rehiyon.
