Isang bus ang nahulog sa tulay sa Ternate, Cavite. Screengrab mula kay Janice Diones Gonzales
NAHULOG ang isang mini bus sa bangin kung saan 30 ang sugatan sa Ternate, Cavite.
Sa imbestiasyon ng Ternate rescue unit, galing sa swimming ang magkakaibigang sakay ng mini bus at pauwi na nang mangyari ang aksidente.
Nawalan umano ng preno ang bus, dahilan para mahulog ito sa Capayas Bridge.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng bus, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.
