Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

Mayor lagot sa direktiba bago nagsimula ng termino

admin August 3, 2025

HINDI pa man nag-iinit sa pwesto, patong-patong na kaso na agad ang nakaamba laban sa isang bagitong alkalde ng isang bayan sa Sibuyan Island sa lalawigan ng Romblon.

Sa isang pulong na idinaos sa bulwagan ng lokal na pamahalaan ng Magdiwang, partikular na tinalakay ang direktiba ni Mayor Noel Machon kaugnay ng pagtatalaga ng mga miyembro ng nilikhang “Expanded Municipal Health Board” sa bisa ng Executive Order 011, dalawang linggo bago pa man magsimula ang kanyang termino bilang alkalde.

Giit ni Atty. Allan Zuniega na tumatayong abogado ni Municipal Health Office chief Dr. Elaine Ong-Tansiongco, na walang bisa ang EO 011 kung saan nakasaad din ang pagtatalaga ni Machon ng mga miyembro ng Expanded Municipal Health Board. 

Kung pagbabatayan aniya ang petsa, lumalabas na nagmula ang kautusan sa isang “pekeng mayor.”

Sa ilalim ng umiiral na batas, Hunyo 30 lang pwedeng gumanap sa tungkulin ang mga nanalong kandidato sa nagdaang halalan.

Bukod sa pinaagang paglabas ng appointment papers, ibinahagi rin ni Zuniega ang implementasyon ng “on-call duty” sa hanay ng mga kawani ng Municipal Health Office nang walang pagsang-ayon mula sa municipal health board sa ilalim ng Memorandum Order 003 na may petsang Hulyo 21 ng kasalukuyang taon.

Sa ilalim aniya ng Republic Act 7160 na mas kilala sa tawag na Local Government Code, walang saysay ang direktiba kung hindi aprubado ng municipal health board.

“Sa ilalim ng local government code, kailangan pa muna aprubahan ng gobernador ang mga executive order mula sa mga punong bayan sa nasasakupang lalawigan. Kaya lang sa kasong ito, hindi pa naman siya mayor nung binuo niya ang expanded health board,” wika ng abogado.

“Ang masaklap, pinirmahan pa niya yung EO kung saan lumalabas na nag-appoint na siya ng mga miyembro ng expanded municipal health board,” dugtong ni Zuniega.

Samantala, inamin ni Dr. Jonathan Maglaya na nakatalaga bilang Doctor to the Barrio ng Department of Health (DOH) regional office sa nabanggit na lokalidad, siya’y sumangguni sa kagawaran kaugnay ng Memorandum Order 003 na nilagdaan ng punong bayan noong Hunyo 17 — panahong hindi pa epektibo ang panunungkulan ni Machon bilang mayor ng bayan ng Magdiwang.

Rekomendasyon aniya ng DOH regional office, dapat padaanin at aprubahan ng municipal board ang anumang programang may kinalaman sa serbisyo at programang pangkalusugan.

Nakatakdang magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman si Zuniega sa mga susunod na araw. Partikular na tinukoy ni Zuniega ang umano’y santambak na paglabag ni Machon ng mga probisyong kalakip ng Republic Act 7160 (Local Government Code) partikular sa limitasyon sa kapangyarihan ng tinatawag na local chief executives, at RA 7305 (Magna Carta for Healthcare Workers) na nagtataguyod sa karapatan ng mga healthcare workers.

Pinag-aaralan  na rin ang paghahain ng kasong kriminal laban kay Machon na umano’y nagpanggap na alkalde sa bisa ng kautusan na pinirmahan bago pa man opisyal na magsimula ang tatlong taong termino ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan.

Post navigation

Previous Tarriela elected House MSME development committee chair
Next Marcos embarks on India state visit to secure key partnerships

Related Stories

10 ‘terrorists,’ including 2 ‘Maute’ leaders, neutralized in Lanao del Sur
  • Regions

10 ‘terrorists,’ including 2 ‘Maute’ leaders, neutralized in Lanao del Sur

BI probes foreign nationals’ alleged attempt to seize Subic resort
  • Regions

BI probes foreign nationals’ alleged attempt to seize Subic resort

Jewelry store robbery in Davao City mall; police launch manhunt for suspects
  • Regions

Jewelry store robbery in Davao City mall; police launch manhunt for suspects

House of Representatives
APRIL 14, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Sat, 18 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter
  2. Fcb88 Uy Tín on Former DPWH usec Cabral found unresponsive near Kennon road

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.