MAGPAPATUPAD ng mahigpit na regulasyon at marami pang pagsusuri sa mga balon at water-refilling station ang ipatutupad upang maiwasan na ang stomach flu outbreak sa Baguio City, ayon kay Mayor
Benjamin Magalong.
Nabatid na umabot na sa 3,087 ang nagkasakit ng acute gastroenteritis at iba pang kaso ng diarrheal ailment bunsod ng kontaminadong tubig o maruming pagkain.
Hanggang nitong Linggo, tatlong kaso pa ng gastro ang naitala sa city health services office, ayon kay Dr. Celia Flor Brillantes, city health officer.
Bumaba na rin umano ang bilang ng mga biktima mula Enero 9 na nangangahulugan na kontrolado na ang pagkalat ng sakit.
Gayunman, kailangan pa ring obserbahan ang dahilan ng pagdami ng apektado ng sakit bago sabihing tapos na ang outbreak.
Sinabi ni Magalong maghihigpit na rin sa pagkakaroon ng balon gaundin ang water purification facilities.
Mayroong 1,0003 balon sa Baguio ngunit 173 lamang sa mga ito ang lisensiyadong makakuha ng malinis na tubig.
