PAHABOL SA ESKWELA. Anim na linggo matapos ang pormal na pagbubukas ng mga paaralan, ginalugad nina Rizal Gov. Nina Ricci Ynares, kasama si Binangonan Municipal Administrator Russel Callanta Ynares (kanan) ang pitong paaralan sa bayan ng Binangonan para sa pamamahagi ng libreng notebooks sa mga mag-aaral. Kabilang sa mga tinungong paaralan ang Rizal National Science High School, Margarito Duavit Integrated School, Mahabang Parang National High School, Vicente Madrigal Integrated School, Guronasyon Foundation Inc. National High School, Don Jose National High School, at Pag-asa National High School.
