PATAY si Lian Municipal Police Station chief Police Major Amiel Bernardo Sanhi Jr. matapos bumangga ang sasakyan nito sa isang ten-wheeler truck sa Barangay Tulo in Taal, Batangas ngayong Miyerkoles.
Ayon sa report ng Police Regional Office 4A, sakay si Sanhi ng kanyang kotse patungong Batangas City nang maganap ang aksidente sa isang ten-wheeler truck bandang alas-12:50 ng madaling araw.
Kinilala ang truck driver na si Salvador Segfred. Nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan si Sanhi nang isugod sa Batangas Provincial Hospital ngunit namatay din bago idating sa pagamutan.
