Ni Cyrill Quilo
UPANG makamit ang herd immunity at mapataas ang bilang ng mga bakunadong residente sa rehiyon ng Calabarzon , nagbahay-bahay na ang mga lokal na pamahalan sa lalawigan ng Laguna at Rizal upang magbigay kaalaman at tamang impormasyon hinggil sa bakuna.
Sa ulat mula ng Department of Health Calabarzon (Cavite,Laguna,Batangas,Rizal at Quezon),ang dalawang probinsya ang may pinakamaraming residente ang nag -aalinlang sa pagpapabakuna.
Ayon kay DOH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, “Napakahalaga ng tamang impormasyon at tamang komunikasyon upang malabanan ang vaccine hesitancy at misinformation na natatanggap ng mga eligible recipients.
Kailangang gawin ang localized information campaign upang mas maging focused ang pagbibigay at pagpapaliwanang sa kahalagahan ng bajkuna laban sa Covid-19.
“Ang bakuna ay nakakapagligtas ng buhay. The delay in the acceptance or refusal to accept the vaccine despite its availability is a threat not only to the individual but to the family and community as well,” dagdag pa niya.
Sinabi ng namumuno sa pagbabahay-bahay na si Ms. Ms. Jeannette Atienza, head ng regional Health Education and Promotion Unit (HEPU),nakakadagdag umano ang pagdedesiyon ng ilan ay dahil sa paniniwala sa relihiyon, ang iba naman ay takot sa turok ng karayom at ang ilan ay hindi masyado naging malinaw o nabigyan ng tamang impormasyon.
“Makakatulong din dito ang mga nabakunahan na upang makapagbigay ng personal at aktuwal na karanasan at makapagpapatunay sa kaligtasan at kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19. The information they provide helps lessen misinformation and prevents its negative consequences.” Kabilang sa makikipagtulungan na magbigay ng tamang kaalaman sa mga residente sa kominidad ang mga health personnel na nasa lalawigan, munisipalidad, barangay health workers, barangay officials, guro.
Sa huling datos ng DOH4-A nitong Nobyembre 9, mayroon ng 10,100,763 ang nabakunahan sa buong rehiyon.
