Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

Laruang pellet gun, tablado sa Angono

admin December 30, 2022

ANGONO, Rizal – Sa hangaring tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa nalalapit na bagong taon, nagbabala ang lokal na pamahalaan sa mga negosyanteng nagbebenta ng mga mapaminsalang laruan – kabilang ang pellet gun.

Sa isang kalatas ni Angono Vice Mayor Gerardo Calderon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, inatasan ang lokal na pulisya para sa mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance 15-695 na nagbabawal sa pagbebenta, paggawa at pamamahagi ng “pellet gun” sa nasabing baybaying lokalidad na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, anim na buwang kulong, P2,000 multa at kanselasyon ng business permit (para sa mga establisyemento) ang nakaamba sa bawat paglabag. Sa datos ng Angono Public Safety and Order, daan-daang gun replica ang kinumpiska ng mga kawani ng naturang tanggapan sa pag-ikot sa sampung nasasakupang barangay, mga pamilihan at iba pang establisyemento.

Kasama ang mga katuwang na civilian security units, nagpakalat din ng impormasyon ang tanggapan ng Angono Public Information Office hinggil sa peligrong dulot ng baril-barilang bumubuga ng bulitas. “Nananawagan po kami sa mga nagtitinda sa aming bayan – may ordinansa po tayo laban sa paggawa, distribusyon, pagbebenta at paggamit ng mga laruang nakakasakit,” ayon kay Calderon.

Sa mga nakalipas na panahon, nakapagtala ang Department of Health (DH) ng mga insidente ng pagkabulag ng mga batang tinamaan ng bulitas sa gitna ng paglalaro nauusong ng pellet toy guns.

Tags: angono calderon pellet gun

Post navigation

Previous 180-day period enough for users to register SIM cards — NTC
Next Crime incidents decrease nationwide; 2,641 ‘bad eggs’ in PNP punished — Azurin

Related Stories

Clearing operation kasado, missing bangketa babawiin
  • Regions

Clearing operation kasado, missing bangketa babawiin

Mayon danger zone may expand to 7 km amid increased activity
  • Regions

Mayon danger zone may expand to 7 km amid increased activity

Phivolcs issues strict rules, warns of multiple hazards amid Mayon’s ongoing activity
  • Regions

Phivolcs issues strict rules, warns of multiple hazards amid Mayon’s ongoing activity

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 8 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.