PATAY ang hinihinalang nagnakaw ng mobile phone matapos umanong lusubin nito ng bolo ang umaarestong mga pulis sa Batangas City.
Ayon sa police report, isang Joseph Bunquin umano ang nagreport na ninakawan siya ng mobile phone.
Kinilala ng biktima ang suspect na si Geronimo Rivera ng Barangay (village) Sta. Clara.
Isang grupo ng police team sa pamumuno ni Staff Sergeant Windell Borillo, miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT), ang rumesponde at nakorner si Rivera sa kanyang bahay.
Kinumbinsi umano ng mga pulisya si Rivera na sumuko ngunit sa halip, nilusob nito ang mga rumesponde ng bolo at tinangkang manlaban sa mga pulis.
Pinaputukan ng mga pulis si Rivera na tinamaan sa tiyan. Patay na ito habang isinusugod sa ospital.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
