Ang suspect nang maaresto sa pagpaslang umano sa 15-anyos na siklista sa Bulacan. Photo by RMN
ARESTADO na ang suspect sa pagpaslang at hinihinalang pagsasamantala sa isang 15-anyos na siklista na natagpuan sa madamong bahagi sa Bustos, Bulacan. May mga paso rin ito sa katawan at sinasabing pinatay sa sakal.
Ang suspect na nagtago sa Camarines Sur ilang araw matapos ang krimen ay nakilalang si Gaspar Maneja Jr. Nasukot ito sa Pamplona, Camarines Sur, ayon sa pulisya.
Si Maneja na gumagamit din sa alyas na Jose Francisco Santos ay inaresto sa arrest warrant ng rape at paglabag sa Republic Act 7610 or the anti-child abuse law.
Iniulat na nawala ang biktima matapos umanong mag-bike noong Agosto 12. Ilang saksi ang nagsabi na nakita nila na kasama ng biktima ang suspect ilang oras bago ito makitang walang buhay.
