Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

Kinidnap na Chinese national, 42 iba pa nasagip sa illegal POGO sa Angeles City

admin September 15, 2022

ISANG kinidnap na Chinese national at 42 iba pa ang sinagip ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) mula sa isang illegal na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) facility sa Pampanga kaninang madaling-araw.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., ang kinidnap na biktima na hindi muna pinangalanan ay iniligtas ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) mula sa Lucky South 99 na matatagpuan sa Fil-Am Friendship Highway sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni Abalos na hiningian ng P1-milyon ang kidnap victim sa pamamagitan ng kanyang manager bilang kapalit ng kanyang paglaya.

Base sa tip na natanggap mismo ni Abalos ay kaagad na nagsagawa ng police operation ang PNP-AKG upang masagip ang biktima.

Agad ding nasakote ang suspek na isa ring Chinese national at kasalukuyan namang iniimbestigahan at nasa kustodiya na ngayon ng PNP-AKG.

Bukod pa sa kidnap victim, nasagip din ng mga pulis mula sa operasyon ang 42 iba pang POGO workers na diumano’y binebenta mula sa isang POGO papunta sa kabila, kinukulong, at nakakaranas pa ng torture kapag hindi nila nagagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho.

“Hindi dapat mangyari ito. Para itong slavery. Mabuti na lang at mabilis ang aksyon ng ating mga kapulisan at nasagip ang mga POGO workers na ito mula sa napakasaklap ng sitwasyong iyon,” aniya.

“Binabati ko ang PNP-AKG sa pangunguna ni P/Col. Rodolfo D. Castil, Jr. dahil sa mabilis nilang pagresponde at pagsagip sa mga POGO workers na ito. Ipagpatuloy ninyo ang inyong sipag at katapatan sa tungkulin,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng Kalihim ng DILG na pinaiimbestigahan din niya kung ang Lucky South 99 ay sangkot sa human trafficking.

“Aalamin natin kung ang POGO na ito ay sangkot sa human trafficking at kung napatunayang totoo ito, ipapasara natin ito at siguradong may mananagot at makukulong,” sabi pa ni Abalos.

Hiningi ni Abalos ang kooperasyon ng lahat at hinikayat ang publiko na ireport sa pulisya ang anumang kahina-hinalang operasyon ng mga POGO.

“What we are after ay iyong mga gumagawa ng iligal. Ireport ninyo lang sa PNP at aaksyunan agad natin ito. Hindi naman natin dinadamay ang mga POGO na maayos ang operasyon,” aniya.

Ayon kay Abalos, makikipagpulong siya sa PAGCOR, Department of Justice, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Chinese Embassy at iba pang ahensya para tutukan ang mga isyu at problema tungkol sa operasyon ng mga POGO.
Ayon naman kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., tinitignan ng PNP ang mga record at business permit ng mga POGO at nakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration upang magkaroon ng tala ng mga dayuhang pumupunta sa bansa upang magtrabaho sa mga POGO.

Tags: angeles city kidnapping pogo

Post navigation

Previous Manila allows not wearing of face masks in open, not crowded places
Next Visayan Beauty Queen is the latest cover of Philippines BEST Magazine

Related Stories

New body recovered from collapsed Angeles City building
  • Regions

New body recovered from collapsed Angeles City building

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized
  • Regions

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval
  • Regions

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 28 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.