Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

Idinemanda ng mga sariling kaalyado: Taytay mayoral bet, no-show sa piskalya

admin May 6, 2022

HINDI sinipot ng isang mayoralty bet ang patawag ng piskalya kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga sariling kaalyado kaugnay ng P104-milyong pondo ng pinakamayamang barangay sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.

Sa kasong inihain ng lima sa walong miyembro ng Sangguniang Barangay ng Dolores, Taytay laban kay Kapitan Allan de Leon na tumatakbo sa posisyon ng alkalde ng naturang lokalidad, pinaratangan ng iregularidad ang umano’y pagpapasa ng 2022 operating budget nang walang naganap na sesyon sa hanay ng mga kagawad ng nasabing pamayanan.

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso laban kay de Leon sina Rufe Roy Tapawan, Jose Torio Jr., Estregan Cayton, Carl John Torres at Zyreil Mae Villanueva, na pawang kaalyado ng nasasakdal. Sa pinag-isang pahayag ng mga kagawad ng Barangay Dolores, kinastigo ang diumano’y “one-man rule” ng naturang opisyal – “Siya na nga ang presiding officer, siya pa din kagawad, pati ang pagiging ingat ingat-yaman at pagador, siya pa rin.”

Pag-amin ni Kagawad Diego Samson, naipasa ang P104 milyong 2022 budget ng Barangay Dolores nang walang nagaganap na sesyon, bagay na aniya’y mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng mga probisyong kalakip ng Local Government Code.

“Matagal na kami lumiham sa Department of Interior and Local Government tungkol sa mga bulilyaso sa aming pondo. Pero wala naman kami natanggap na tugon kaya minabuti namin maghain na lang ng pormal na kaso sa husgado,” ayon naman kay Tapawan.

Bukod sa kasong isinampa laban kay de Leon, iniimbestigahan na rin ng Commission on Audit (COA) ang naturang opisyal kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng barangay mula taong 2014.

Sa pagsusuri ng COA, lumalabas na P6 milyon ang hinahanap ng state auditor – kabilang ang mga tsekeng naencassh sa Land Bank of the Philippines (LBP), mga transaksyong walang kalakip na patunay ng pinagbayaran, at iba pa.

Ang Barangay Dolores ay ang pinakamayamang barangay sa nasabing bayang higit na kilala bilang Garments Capital of the Philippines. Muling itinakda ng Rizal Prosecution Office ang pagdinig sa kasong falsification of public documents laban kay de Leon sa Miyerkules, Mayo 11, 2022.

Tags: mayoral bet taytay

Post navigation

Previous DOT urges health facilities to lower RT-PCR cost
Next Comelec appoints new spox ‘effective immediately’

Related Stories

New body recovered from collapsed Angeles City building
  • Regions

New body recovered from collapsed Angeles City building

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized
  • Regions

Woman killed in SJDM shooting; suspects arrested, illegal drugs seized

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval
  • Regions

Missing person found safe; Angeles rescue shifts to retrieval

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 28 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.