BARAS, RIZAL – Sama-samang sinunog ng mga dating kasapi ng CPP/NPA/ND ang kanilang watawat bilang pagpapatunay ng kanilang pagwaksi sa teroristang grupo at simbolo ng pagsang-ayon sa pakikiisa sa pamahalaan na panunumpa bilang katapatan sa Republika ng Pilipinas.
Ang mga residente ng mga katutubong Dumagat /Remontado na naging biktima ng makakaliwang grupo ng New People’s Army ay lubos na pasasalamat sa isinagawang “Peace Forum” sa pakikipagtulungan ng Barangay Task Force ELCAC (BTF-ELCAC) sa pamumuno ng kanilang Punong Barangay na si Adrenico Zubiaga ng Barangay Sta. Ines, Tanay ng bayang ito.
Ginanap ang pagtitipon sa pangunguna ng 80th Infantry (STEADFAST) Battalion ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Bernard Zildo S. Fernandez INF (GSC) PA at nakiisa rin ang kapulisan ng Tanay Municipal Police Station.
Ang programa ng pamahalaan ay naglalayong tapusin ang suliranin sa insurhensiya ng bansa sa pamamagitan ng mga programa at gabay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na Executive Order No.70. na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa mga dumalo ng pagpupulong, ang katuparan ng mga pangako ng pambansa at lokal na pamahalaan na siguruhin ang pagkakaroon ng ligtas, payapa at matatag na kinabukasan para sa lahat ng mamamayan ay nabigyan ng katuparan ang kanilang matagal ng minimithing proyekto na tinugunan ng NTF-ELCAC.
Ang proyekto ay bilang bahagi ng “Whole of Nation Approach” kung saan ang bawat ahensya ng pamahalaan ay sama-samang ipinatutupad at ang mga programa at proyekto ng pamahaalan upang magkaroon ng ganap na kapayapaan tungo sa kaunlaran ng pamayanan.
